Biyernes, Hunyo 24, 2011

Bakit nga ba masayahin si Juan?

Natanong niyo na ba sa inyong mga sarili kung bakit masayahin tayong mga Pinoy?  Batay sa pinakabagong pagsusukat na isinagawa ng grupo ni Ronald Inglehart, ang Pilipinas ay ang pang  tatlumpu't walo sa pinakamasasayang tao sa buong mundo. Kahit hindi man natin alam ito ay masasabi nating likas talagang masayahin ang mga Pinoy. Isa sa mga nakita kong palatandaan kung bakit tayo masayahin ay ang paraan ng ating pagtawa sa pakikipag-usap sa internet (pasensya po at wala pong salin sa wikang Filipino ang internet). Ang paraan ng pagtawa ng isang tao habang may kausap sa internet ay talagang kawili-wili. Kung sa ibang bansa tumatawa sila gamit ang LOL at ROFL, tayong mga Pinoy ay pa simple lang. "Hehehe", "Hahaha", at "Hihihi" ang ilan sa mga ito. Meron namang iba na pinapalitan ang mga titik pero parehon tawa pa rin yun gaya ng "Jejeje".

Kahit sa gitna ng mga problema ay nakukuha pa ring maging masaya ng mga pinoy. Kahit sa kalagitnaan ng krisis sa gasolina ay marami pa ring pinoy ang nakikita nating masaya. "Pumayat ka yata?" ...  "Diet to mare, mahal ang bigas ngayon". Dahil sa likas na pagiging malikhain ng mga Pinoy kaya nagagawa niyang gawing masaya ang kahit anong sitwasyon.

"More energy mas happy", ang sabi sa isang produktong hindi ko sasabihin kung ano (bleh). Dahil tayong mga Pinoy ay napakamasigla at masigasig kaya tayo laging masaya. Parang kulang ang araw natin kung hindi tayo nakangiti o nakatawa man lang sa loob ng isang araw.

Isa pang palatandaan kung bakit masasabi nating masaya ang mga Pinoy ay ang kanilang pagiging palangiti sa harap kamera. Kahit anong postura (at hitsura) ng Pinoy, kapag itutok mo na ang kamera sa kanya ay isandaang porsiyento na ngigiti yan. Sadyang napakawili ng mga Pinoy sa kamera kaya't kung anu-anong ngiti na ang ating natutunan. May ngiting nakalabas ang dila, ngiting naka duling ang mata, ngiting di mo malaman kung nakangiti ba, at marami pang iba.

1 komento: